|
| PALAWAN (The Philippines' Last Frontier) |
|
|
| The nature sanctuary of the world.. |
|
BYAHE TAYO!!!
Ikaw ba'y nalulungkot Naiinip, nababagot? Ikaw ba'y
napapagod Araw gabi'y puro kayod?
Buhay mo ba'y walang saysay Walang sigla, walang kulay? Bawa't araw
ba'y pareho Parang walang pagbabago?
Tara na, biyahe tayo Kasama ang pamilya Barkada at buong grupo Para
mag-enjoy nang todo.
Halika, biyahe tayo, Nang ating makita Ang ganda ng Pilipinas Ang galing ng Pilipino.
Napasyal
ka na ba Sa Intramuros at Luneta Palawan, Vigan at Batanes Subic, Baguio at Rice Terraces?
Namasdan mo
na ba Ang mga vinta ng Zamboanga Bulkang Taal, Bulkang Mayon Beach ng Boracay at La Union?
Tara na, biyahe
tayo Mula Basco hanggang Jolo Nang makilala ng husto Ang ating kapwa-Pilipino.
Halika, biyahe tayo, Nang
ating makita Ang ganda ng Pilipinas Ang galing ng Pilipino.
From city to city, Seven thousand and a hundred
plus islas Sa mahal kong Pilipinas Luzon, Visayas, Mindanao ating puntahan. Huwag maging dayuhan sa sariling bayan!
Nasubukan
mo na bang Mag-rapids sa Pagsanjan Mag-diving sa Anilao Mag-surfing sa Siargao?
Natikman mo na ba Ang
sisig ng Pampanga Duriang Davao, Bangus Dagupan Bicol Express at Lechong Balayan?
Tara na, biyahe tayo, Nang
makatulong kahit pano Sa pag-unlad ng kabuhayan Ng ating mga kababayan.
Halika, biyahe tayo, Nang ating
makita Ang ganda ng Pilipinas Ang galing ng Pilipino.
Nakisaya ka na ba Sa Pahiyas at Masskara Moriones
at Ati-Atihan Sinulog at Kadayawan?
Namiesta ka na ba Sa Peņafrancia sa Naga Umakyat sa Antipolo Nagsayaw
sa Obando?
Tara na, biyahe tayo Upang ating matamo Ligaya at pagkakaibigan Kaunlaran, kapayapaan.
Halika,
biyahe tayo, Nang ating makita Ang ganda ng Pilipinas Ang galing ng Pilipino.
Tara na, biyahe tayo Upang
ating matamo Ligaya at pagkakaibigan Kaunlaran, kapayapaan.
Halika, biyahe tayo Nang ating makita Ang
ganda ng Pilipinas Ang galing ng Pilipino.
Halika, biyahe tayo... WOW Philippines...
|
|
|
What you see is what you get......... THE REAL ME!!!!!!!
|